Mga Tubo at Butas


Hindi tao, hindi hayop:
1. Tubo na nakausli, paghinawakan mo'y di mababali, pagpinihit ng ubod lakas, tutulo lahat ng laman ng butas.
2. Isang sawa na malaki ang ulo, mahaba ang katawan nito, 'wag mong hahatakin ng pilit at baka ito magalit.
3. Sandata kong matapang, ulo'y malapad at bilugan, katawan paghinawakan, sisisid sa kumukulong karagatan.
4. Isang tubo na pula ang dulo, sa bibig patuloy ang pag-init, imbis na lumaki, lalong lumiliit.
5. Ulo ng aking alaga ay palalabasin, upang katas ay gamitin, inilalapat sa maputla na nag-uumpugang pisngi, para ito'y papulahin.
6. Gubat kong malago, munting butas itinatago, kapag pinutulan, mangangati't titigas sa muling pagtubo.
7. Patpat kong matigas, may buhok na nalalagas, huwag madidikit sa dulo nito, pagkat kulay lilipat sa iyo.
8. Matigas na bagay, ipinapasok at inilalabas, kapag hindi sapat ay tatanggi ang butas, ngunit kung kasukat maluwang itong tinatanggap.
9. Sa dulo ng ulo, ako ay may butas, walang akong paa ngunit tumatayo ng matigas, kailangan hawakan ng mahigpit ng hindi ako dumulas, habang ang aking laman ay lumalabas ng lumalabas.
10. Patpat na mahiwaga, inilalagay sa dila, kapag ipinasok sa mainit, tuloy-tuloy ang sirit.
11. Hindi magkadikit, dalawang pisnging matambok, kapag ang isang mahaba at pulang laman ay dito inipit ng mahigpit, lalabas ang sarsang malapot.
12. Walang kamay, walang paa, ngunit may ulo kahit paano, mayroon ding mahabang katawan na pwedeng hawakan. Kapag ipinasok sa bibig, unti-unti mong malalaman ang sarap ng laman.

Related Popular Posts

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...