Noong unang panahon may tatlong magkakaibigan na nagpunta sa kabundukan ng Mt. Makiling upang mag-hunting. Isang taga-Maynila, isang taga-Ilokos, at isang taga-Batangas.
Sa paghahanap nila ng mababaril na usa at baboy-damo napasuot sila sa isang tribo ng mga katutubo. Sila ay hinuli at iniharap sa pinaka-hari ng tribu. Hinatulan sila ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot g kanilang ulo kung hindi masisiyahan sa kanilang mga sagot sa anumang itatanong ng anak na prinsesa ng hari.
Unang tinanong ang Manila boy ...
Prinsesa : "Anong tawag mo rito? sabay turo sa pisngi ng prinsesa.
Manila Boy : "Mahal na princesa ang tawag po namin diyan ay 'Pisngi'".
Hindi nasiyahan ang prinsesa kaya pinugutan ng ulo si Manila Boy.
Sumunod na tinanong ang Ilokano ...
Prinsesa: "Ikaw ginoo, anong tawag mo rito? sabay turo sa mukha.
Ilokano : "Mukha" po mahal na prinsesa ang tawag po namin diyan".
Hindi rin nasiyahan ang prinsesa. Pugot ulo rin si Ilokano.
Takot na takot na si Batanguenio pero sumagot siya nang tanungin ng prinsesa ...
Prinsesa : "Ikaw ginoo, anong tawag mo rito?"
Sagot : "Ang tawag po namin diyan sa Batangas mahal na Princesa ay "dambana ng tuwa, galak at pag-galang".
Princesa : "Ipaliwanag mo ang iyong kasagutan, ginoo".
Sagot : "Kasi sa amin po pag kami ay natuwa, nagalak o kaya ay gumalang, kami po ay humahalik diyan".
Prinsesa: sabay turo sa dibdib/suso "anong tawag mo rito?"
Sagot : "Mahal na prinsesa, tawag po namin diyan ay "bukal ng buhay at kalusugan, kasi diyan po umiinom ang mga bata upang mabuhay at maging malusog".
Prinsesa : sabay turo sa bandang sikmura/tiyan, "anong tawag mo rito?"
Sagot : "bartolina po, kasi siyam na buwan nakukulong ang aming mga anak diyan"
Prinsesa : "anong tawag mo rito? sabay taas ng palda at itinuro ang ari na walang suot na panty (hindi pa uso noon).
Sagot : sabay luhod at nag-antada ng krus , mahal na prinsesa, tawag po namin diyan ay "ALTAR NG DALANGINAN" kasi diyan po namin itinitirik ang aming mga kandila!
Nasiyahan ng husto ang Prinsesa. Pinalaya si Mr. Batangas.